- Ni Maria Melinda A. Cabiling
ABSTRAK
Ang tesis na ito ay may kaugnayan sa pagsasalin sa Filipino ng mga kontemporaryong maikling kuwentog Hiligaynon at pagsusurung ng mga ito ayon sa mga nakapaloob na asal, saloobin, paniniwala at kaugalian ng mga Ilonggo. Ang ginamit na metodo sap ag-aaral ay palarawang pagsusuri (descriptive-analytic). Sa pamamagitan ng inihandang batayan pinili ng limang (5) mga hurado and sampung makabagong maikling kuwentong Hiligaynon mula sa tatlumpong maikling kuwentong inilakip sap ag-aaral. Isinalin sa Filipino and mga makabagong maikling kuwentong napili sa pamamagitan ng isang talatanungan, tatlong tagataya ang tumiyak ng katumpakan sa salin na isinagawa ng mananaliksik. Sinuri ng mananaliksik ang maikling kuwento batay sa nakapaloob na asal, saloobin, paniniwala at kaugalian. Binigyang-halaga rin ditto and paksa o tema ng maikling kwento. Batay sa kinalabasan ng pagtataya, ipinahayag ng mga hurado na tumpak ang ginawang pagsasalin ng mga kontemporaryong maikling kuwentong Hiligaynon sa Filipino. Napatunayan ng mananaliksik na ang mga kontemporaryong maikling kuwentog Hiligaynon ay pumapaksa sa mga kasalukuyang pangyayari sa buhay ng mga Ilonggo, at nagtataglay ng mga asal, saloobin, paniniwala at kaugalian ng mga Ilonggo.