University Research Center

CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY

UNIVERSITY RESEARCH CENTER

Pananaw ng mga Kolehiyong Estudyante sa Filipino Bilang Basikong Asignatura sa Central Philippine University

  • Ni Liza V. Do-oma

ABSTRAK

 

 

Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang pananaw ng mga kolehiyong estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura sa Central Philippine University, akademikong taon 2002-2003. Ang metodong ginamit ng mananaliksik ay palarawan. Ito’y naglalayong alamin ang katotohanang ukol sa kondisyon o ng relasyong umiiral, ang kasanayang nangingibabaw, ang paniniwala o opinion na nararamdaman ng mga estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura. Ang tagatuon ay mga estudyante sa Filipino bilang basikong assignatura, Ang tagatugon ay mga kolehiyong estudyante sa Filipino 2a ng Central Philippine University na may kabuuanf bilang na 155 sa unang semester. Batay sa resulta ng pananaliksik, ipinapakitang ang mga estudyante ay sang-ayon sa Filipino bilang basikong asignatura. Ipinakitang walang katotohanan ang mga di magagandang pananw sa nasabing asignatura. Isa lamang haka-haka ang mga naririnig na negatibo ang kanilang pananaw at wala silang ganang mag-aral sa nabanggit na asignatura. Ipinapakita ring hindi nila ipinagsasawalang bahala ang wikang nakagisnan. Isang kongklusyon ang inihaharap ng pananaliksik na walang kaugnayang pagkakaiba sa pananaw ng mga kolehiyong estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura sa pagitan ng kanilang edad, uri ng paaralang pinagtapusan ng hayskul, samantalang may kaugnayan naman sa pagitan ng pananaw ng mga estudyante at pelikulang pinanonood.

Leave a Comment